Kadalasan sa buhay naghahanap tayo ng mga bagay na hindi ipinagkaloob sa atin at madalas din ang pagkadismaya kung hindi natin ito makuha. Nagtatampo tayo sa mundo, at naghahanap ng kasagutan na walang nakakaalam. Minsan, ang binibigay pa ay pagsubok na halos magpaubos na sa isip natin. Pero kung papansinin mo, laging may dumarating na hindi mo inaasahan, na nagpapabago ng lahat. Kung lalawakan mo lang ang isipan mo, at matututong maghintay at magtiwala sa buhay. Nandiyan ang hangin, ang ulan, ang araw at mga bituin. Minsan sobra pa nga sila. Ang mga ito’y nagpapaalala na dumadaloy pa ang dugo mo, humihinga ka pa, at nakakaramdam. Buhay ka pa at madami pa ang naghihintay na magagandang bagay, kung di ka lang bibitiw.
—Amiel Bague





